BEIJING (Reuters/AFP) – Nagbitiw bilang pinuno ng China’s government-run Buddhist association ang highest-ranking Buddhist monk nitong Miyerkules, matapos malagay sa imbestigasyon hinggil sa akusasyon ng sexual misconduct.
Si Xuecheng, miyembro ng Communist Party member at abbot ng Beijing Longquan Monastery, ay itinuturing na isa sa pinaka prominenteng tao na nahaharap sa akusasyon dahil sa umiigting na #MeToo movement sa China.
Inilunsad ang imbestigasyon matapos ang kumalat sa online ang 95 pahinang ulat ng dalawang monk na nag-aakusa Xuecheng ng, “sending explicit text messages to at least six women, threatening or cajoling them to have sex with him.”
Sa kabila naman ng pagbibitiw, mariing itinanggi ng top monk ang lahat ng akusasyon na sinabing “fabricated material” at “distorted facts” ang lahat ng alegasyon sa kanya.