SA unang pagkakataon, magsisimula ang UAAP sa kanilang ika-81 taon sa pamumuno ng Season host National University sa pamamagitan ng pagdaraos ng isang pre-season event na tinagurian nilang “Last One Standing” kung saan itatampok ang mga individual basketball talent ng mga piling atleta ng liga.
“Last One Standing is going to be a fun and exciting event to watch. The one-on-one is the best showcase for a player’s skills and basketball smarts. This is the real test of an athlete’s individual prowess that may also reveal any weakness he may have. Everything’s on show, you can’t hide anything here,” pahayag ni Event Director Eric Altamirano.
Nangunguna sa mga kalahok sa men’s division ng one-on-one basketball event si Alvin Pasaol, nagtala ng rekord na 49 puntos sa isang laro para sa University of the East sa nakalipas na taon.
Kabilang sa kanyang mga makakatunggali sina Quinito Banzon ng Ateneo, Jordan Bartlett ng La Salle, Cade Flores ng Far Eastern University, Robert Minerva ng NU, Zachary Huang ng University of Santo Tomas, at Joe Gomez de Liano ng University of the Philippines. Hindi pa nakakapili ng kanilang magiging kalahok ang Adamson.
Sa kababaihan, nangunguna sa mga kalahok si Season 80 Mythical Team member Ria Nabalan.
Makakasagupa niya sina Nathalia Prado ng Adamson, Jhazmin Joson ng Ateneo, Rossini Espinas ng La Salle, Princess Jumuad ng FEU, Lon Rivera ng UST, Tin Cortizano ng UE, at Noella Cruz ng UP.
Paborito naman sa 3-point shootout si Jerrick Ahanmisi ng Adamson na tiyak namang bibigyan ng magandang laban nina Jolo Mendoza ng Ateneo, Aaron Waban ng La Salle, Travis Mantua ng FEU, Daniel Atienza ng NU, Kenneth Zamora ng UST, Jason Varilla ng UE, at Jethro Madrigal ng UP.
Paborito naman sa women’s side si UAAP record-holder for most triples Khate Castillo ng La Salle.
Makakaharap naman niya sina Jamie Alcoy ng Adamson, Angela Gino-gino ng Ateneo, Elaisa Adriano ng FEU, Je-Anne Camelo ng NU, Ana Tacatac ng UST, Anne Pedgregosa ng UE, at Mikee Gatpatan ng UP.
Maglalaban-laban naman sa skills challenge para men’s division sina Jerom Lastimosa ng Adamson, Miguel Fortuna ng Ateneo, Donn Lim ng La Salle, James Tempra ng FEU, Miguel Oczon ng NU, Brent Paraiso ng UST, Mark Maloles ng UE, at Lorenzo Battad ng UP.
Para naman sa women’s side, nakahanay para magtunggali sina Camille Claro ng La Salle, Lady Rose Rosario (Adamson), Alyssa Villamor (Ateneo), Valerie Mamaril (FEU), Monique del Carmen (NU), Juslyne Magat (UST), Princess Ganade (UE), at Gene Amar (UP).
Para sa highlight ng event na slam dunk competition, magtatapat ina Tyrus Hill (La Salle), Matthew Daves (Ateneo), Soulemane Chabi Yo (UST), Joe Gomez de Liano (UP), Aaron Davis (FEU) , Daniel Chatman (NU), at Ivan Maata (Adamson).
Idaraos ang individual skills event sa Biyernes (Agosto 17) sa SM Mall of Asia Atrium.
-Marivic Awitan