NAITABLA ni International Master John Marvin Miciano ang laban kay second seed Grandmaster Jorden Van Foreest ng Netherlands sa 57 sulong ng King’s Indian Attack sa ikasiyam at huling round para matapos sa ika-12 puwesto ng 22nd Hogeschool Zeeland chess tournament sa Vlissingen, the Netherlands nitong Sabado.

Nakuhang makaabante ng posisyon si Miciano, 17, para maipuwersa ang mas beteranong karibal na si Van Foreest sa palitan ng piyesa tungo sa matikas na draw.

Tinapos ni Miciano ang kampanya sa nine-player group sa 11th spot na may 6.5 puntos, ngunit natapos sa 12th overall, kumpara kay Van Foreest na 13th place.

Matikas ang kampanya ng Far Eastern U standout, tumapos din sa ika-11 sa 44th Open Internacional d-Escacs Vila De Sitges sa Spain nitong Hulyo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagwagi naman si GM Jayson Gonzales, coach ni Miciano, laban kay Indian IM P Shyaamnikhil isa ika-105 sulong ng English Opening para sa 6.5 puntos.

Nabigo naman si Woman GM Janelle Mae Frayna kay Dutch IM Casper Schoppen para s aika-45 puwesto na may 5.5 points.

Mula rito, tutungo sa Team Philippines sa Bruges, Belgium para sumabak sa Bruges Masters 2018.