GAYA ng mga naunang lumabas na mga impormasyon nitong Sabado ng umaga, tuluyang tinapos ng National Basketball Association (NBA) ang pag-asang maglaro ng Cleveland star na si Jordan Clarkson para sa Pilipinas sa 2018 Asian Games.

CLARKSON: Sayang sa Gilas.

CLARKSON: Sayang sa Gilas.

Sa statement na inilabas ni NBA spokesman Tim Frank kahapon(Linggo) ng umaga, sinabi nitong hindi pinahihintulutan ng liga ang kanilang mga manlalaro na sumali o maglaro sa continental meet dahil hindi ito sanctioned ng International Basketball Federation.

“The NBA’s agreement with FIBA stipulates that NBA players can participate in the Olympics, the FIBA Basketball World Cup, Continental Cup competitions, and associated qualifying tournament,” nakasaad sa NBA statement.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Because the Asian Games are not one of those competitions, NBA players are unable to participate.”

Ngunit, ang China ay paglalaruin sa kanilang koponan ang 7-foot-2 big man na si Zhou Qi, na naglalaro para sa Houston Rockets.

Kaugnay nito, ipapalit kay Clarkson sa line-up si Don Trollano na kasama ng umalis ng koponan kagabi patungong Jakarta, Indonesia.

Ngunit, kung sakali ay papayagan ng NBA si Clarkson na makalaro sa Gilas sa darating na second round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

“In accordance with the NBA’s agreement with FIBA, Jordan is welcome to represent the Philippines in the agreed-upon competitions,” wika pa sa statement na inilabas ni Frank.

-Marivic Awitan