MONTREAL (AP) — Sa kabila ng dispalinghadong iskedyul ng kanyang laro, nagawang malagpasan ni Simona Halep ang matikas na hamon ni Ashleigh Barty, 6-4, 6-1, nitong Sabado (Linggo sa Manila) para makausad sa final Rogers Cup.

HALEP: Matindi ang gigil.

HALEP: Matindi ang gigil.

Haharapin ng top-ranked Romanian sa kampeonato sa Linggo (Lunes sa Manila) ang third-ranked na si Sloane Stephens para sa rematch ng kanilang duwelo sa French Open final na pinagwagihan ni Halep.

Nakausad si Stephens, ang reigning U.S. Open champion, nang magwagi kay fifth-seeded Elina Svitolina, 6-3, 6-3.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ito ang ikaapat na pagkakataon na umusad sa Rogers Cup final si Halep. Napagwagihan niya ang titulo noong 2016.

Inireklamo ni Halep nitong Biyernes ang laro niya sa semifinal matapos ang magkasunod na laro sa gabi. Iginiit niya na ang iskedyul ang pinakasamang nasalihan niya sa 56-player event.

Sa kabila ng maigsing pahinga, nagawang madomina ni Halep ang laban kontra sa 15th-seeded na si Barty sa larong umabot lamang ng 71 minuto.

“I was very sore when I woke up,” pahayag ni Halep.

“During the match, it’s not easy to run so much. But, you know, I just tried to focus on what I have to play and, to make it a little bit easier, which I did in the end, was to finish it early.”

“I think I talked enough about it,” aniya. “I hope in the future it’s going to be better. I was upset. I am upset. But doesn’t change my performance on court.”

Kaagad na nabasag ng Romanian ang laro sa opening game tungos sa 4-1 bentahe. Hindi nakatikim ng paghahabol si Halep.

“I think I played smart tennis today.I pushed her very back on her backhand, then I could just receive a shorter ball, an easier ball for me to open the court.,” aniya.