Dahil pagkakaantala ng mga klase sa eskuwela sa tuwing umuulan at bumabaha, nanawagan si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na ideklara kung kailan makukumpleto ang flood control projects sa Metro Manila.

Nasisisi kasi ang mga alkalde sa Metro Manila dahil sa atrasadong deklarasyon sa suspensyion ng mga klase sa tuwing masama ang panahon.

“Ang dami nang investment ng mga LGU sa flood control. Kailan ba matatapos ang flood control project ng Metro Manila? Anong timetable ‘nyan? Kasi ang basehan ng class suspension hindi lamang ang ulan kundi pati ang pagbaha sa lugar because sa dami ng gawaing bayan na ginagawa ng national government at mga LGU. Binabalanse dapat natin lahat,” diin ni Bautista sa pagpupulong ng Metro Manila Council kamakailan.

-Jun Fabon
Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'