SANAA (AFP) – Patay ang 29 na bata sa pag-atake sa isang bus sa palengke sa hilaga ng Yemen na kontrolado ng mga rebelde nitong Huwebes, sinabi ng Red Cross, habang nahaharap ang Saudi-led coalition sa lumalakas na protesta kaugnay sa strike.
Sinabi ng coalition na nagsagawa ito ng ‘’legitimate military action’’, target ang bus bilang tugon sa madugong missile attack sa Saudi Arabia nitong Miyerkules ng mga rebeldeng Huthi.
Iginiit ni coalition spokesman Turki al- Maliki na ‘’misleading’’ ang mga pahayag ng aid organizations na mga bata ang sakay ng bus, idinagdag na ‘’Huthi combatants’’ ang nasa loob ng sasakyan.
Sinabi ng International Committee of the Red Cross na binomba ang bus na puno ng mga bata sa Dahyan market sa teritoryo ng Huthi sa Saada.
‘’A hospital supported by our team in Yemen received the bodies of 29 children under the age of 15 and 48 wounded, including 30 children,’’ sinabi ng ICRC sa Twitter.
Iniulat ng Al-Masirah TV ng Huthis, sinipi ang rebel health ministry, na 50 katao ang nasawi at 77 ang nasugatan, ‘’mostly children’’, ngunit hindi maberipika ang bilang.
Sinabi ng Save the Children charity, na nang mangyari ang pag-atake ay sakay ng bus ang mga bata pabalik sa eskuwelahan ‘’from a picnic when the driver stopped to get a drink’’.
Kapwa nanawagan ang United Nations chief at ang US State Department ng mga imbestigasyon sa pambobomba