May bagong pangalan ang Package 2 ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN 2).

Nagkasundo ang House Committee on Ways and Means sa pamumuno ni Quirino Rep. Dakila Carlo Cua, na ang TRAIN 2 ay tatawaging Tax Reform Package for Attracting Better ang High-quality Opportunies (TRABAHO).

Layunin ng panukala na ibaba ang corporate income tax sa 20 porsiyento mula sa kasalukuyang 30%.

“After a marathon technical working group (TWG) discussion that was held last August 5, the TWG is ready to present to the mother Committe on Ways and Means the output substitute bill for its consideration and possible approval,” pahayag ni Cua.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

-Bert De Guzman