NAGBABALIK ang reality TV series na Asia’s Next Top Model (ANTM) para sa isa pang season ng fashion, awayan at metikulosong kumpetisyon. Ilang araw na ang nakalipas, opisyal nang inihayag ng FOX Networks Group Asia at FOX Life ang 14 na babaeng magtutunggali sa Season 6 ng show. Ang ANTM ang longest-running regional adapted TV series sa kasaysayan ng telebisyon sa Asia.

AsNMT6_Group_Keyart_Vertical_13Jul

Ipinakilala sa Season 6 ang isa sa pinaka-diverse at kagila-gilalas na casts para sa Asia’s Next Top Model, na mula sa Hong Kong, Indonesia, Japan, Malaysia, Myanmar, Taiwan, Thailand, Pilipinas, Vietnam, at Singapore. Dala ng bawat kandidata ang kanya-kanyang kakaibang ganda, itsura, at background sa pagsungkit ng minimithing titulo.

Ang bagong 14 na mga kalahok ay sina: Adela-Mae Marshall, Beauty (Thet Thet Thinn), Dana Slosar, Hody Yim, Iko Bustomi, Jachin Manere, Jesslyn Lim, Lena Saetiao, Mia Sabathy, Pim Bubear, Rubini Sambanthan, Sharnie Fenn, at Yi Han Si.

Teleserye

Hindi nai-lock pinto ng CR: Shaina, 'nasilipan' si Piolo

Ang Asian supermodel na si Cindy Bishop pa rin ang magiging host ng naturang season, sa ikatlong pagkakataon. Ang magiging Creative Director ulit ng naturang show ay ang respestadong fashion photographer na si Yu Tsai, na siyang tutulong sa mga modelo sa buong kompetisyon.

Magbabalik din sa Season 6 ang ANTM alumni, kabilang sina Monika Sta. Maria mula sa Season 3, at Shikin Gomez at Nguyen Minh Tu mula sa Season 5.

“Last season, we saw such a strong response from the ANTM fanbase, especially in support of our Filipina models. Maureen (Wroblewitz) really won the hearts of the people here and we’re sure the two girls representing the Philippines this season will do the same,” lahad ni Charo Espedido, FOX Networks Group Philippines Head of Marketing.

Ang Pilipinang si Maureen ang nanalo sa ANTM Season 5 noong nakaraang taon.

Mapapanood ang ANTM Season 6 sa FOX Life, with a simulcast livestream sa FOX+ sa Miyerkules, Agosto 22 ganap na 9:00 ng gabi.

Manila Bulletin Entertainment