Pursigido si Senator Manny Pacquiao na maikasa sa plenaryo ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa, kahit para lang sa mga kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.
Aniya, maaaring makakuha ito ng suporta sa mayorya kung para lamang ito sa drug-related cases.
Aminado rin ang senador na malabo itong maisulong sa Kongreso kung sasaklawin ng parusa ang iba pang krimen.
“I’m open to it, at least on drug-related cases, because it’s really the cause of sufferings of our countrymen, the illegal drugs. Sa tingin ko, makakuha naman ng majority basta sa drugs lang,” ani Pacquiao.
Pinanindigan din ng senador na isusulong nito ang nasabing panukala sa kabila ng matinding pagtutol ng Santo Papa.
Aniya, kung Bibliya ang pag-uusapan, nakalagay naman ito at maging sa ating saligang-batas.
“Biblically, it’s in the Bible. If we talk about the Bible, it’s there. The authority, which is the government, has been given the right to impose the death penalty against those who commit heinous crimes so it’s there, even in our Constitution,” katwiran pa ni Pacquiao.
-Leonel M. Abasola