Kinasuhan na ang apat na pulis na sangkot sa pangongotong sa mga junkshop owners sa Valenzuela City.

Kabilang sa mga kinasuhan sina Senior Insp. Adonis Paul Gonzales Escamillan, commander ng Police Community Precinct 8 ng Valenzuela City; tauhan niyang sina SPO4 Serafin Sarapdon Adante, PO1 Ryand Paul Estapia Antimaro, at PO1 Rey Harvey Azadon Florano.

Kabilang din sa kinasuhan ang umano’y asset ng tatlong pulis na si Amado Reyes Baldon.

Ang lima ay inakusahan ng robbery/extortion in violation of Article 294 of the Revised Penal Code (RPC).

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isinampa ang kaso sa Department of Justice (DoJ) kamakalawa.

Samantala, napag-alaman na si Baldon ay empleyado ng Valenzuela City government.

Siya ay nagtatrabaho sa 3S sa Barangay Ugong bilang maintenance at wala pang isang buwang casual employee.

-Jeffrey G. Damicog at Orly L. Barcala