Tinitiktikan na ng Philippine National Police (PNP) ang aabot sa 1,000 pulis na sinasabing sangkot sa ilegal na droga.

Aminado si PNP Chief Director General Oscar Albayalde na malaking bahagi ng naturang bilang ay nagsisilbing protektor ng mga sindikato ng droga.

May mga hakbang, aniya, ang pamunuan ng PNP upang matukoy ang nasabing mga pulis.

Sa pinakahuling datos, aniya, ng Counter-Intelligence Task Force (CITF) ng PNP, aabot na sa 87 tiwaling pulis ang naaresto mula noong Pebrero 3, 2017 hanggang Hulyo 31 ng kasalukuyang taon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa record naman ng PNP-Internal Affairs Service, nasa 69 na pulis ang nasampahan na ng kasong administratibo ng CITF, at 56 ang nasibak na sa serbisyo.

-Fer Taboy