TUMAPOS sa ikapito si Fil-Japanese Kiyomi Watanabe sa Grand Prix Zagreb 2018 kamakailan sa Croatia.

Ginapi ni Watanabe sina Edwige Gwend ng Italy, at Nadjya Bazynski ng Germany para makausad sa quarterfinals kung saan naungusan siya ng nagwaging si Nami Nabekura ng Japan.

Sa repecharge, nadehado si Watanabe kay Catherine Beauchemin-Pinard ng Canada, ngunit, sapat na ito para tanghalin siyang ikalawang best karatekas mula sa Asia sa likod ni Nabekura.

Kumpiyansa si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Farnandez na makatutulong sa kumpiyansa ni Watanabe ng matikas na performance sa Grand Prix Zagreb para sa kanyang pagsagupa sa Asian Games sa Agosot 3 sa Jakarta, Indonesia.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tangan ni Watanabe ang ranked No. 19 sa world at inaaahang tataas pa matapos ang pagsalang sa torneo sa Budapest.