MEXICO CITY (AP) — Para magbigay buhay at sigla sa mga motoristang naipit sa trapik ng megalopis na kilalang matrapik na daan, naisip ng isang theatre company na magsagawa ng 58 second show na kasing haba ng pagpapalit ng traffic light sa Mexico City.

BALLET

Habang nilalaban ang ingay ng mga bumubusinang sasakyan at mga makina, sumasayaw ang grupo sa tono ng pitong iba’t ibang awitin kasabay ng iba’t ibang galaw at mga kasuotan.

Mula ng ideya ng grupo sa photographer nasi Oscar Rodriguez, na kilala sa pagkuha ng mga larawan ng mga sumasayaw sa gitna ng mga kalsada. Sa ngayon, ang pagtatanghal ng grupo ay bahagi ng proyekto nilang “the theatricality of public space.”

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

Dalawang linggo makaraan magsimula ang kanilang pagtatanghal sa kalsada, nakapukaw na ito ng atensyon sa mga photographers at videographers na nagnanais masundan ang kanilang istorya.

Samantala, enjoy naman sa panonood ang mga motorista maging ang mga nakatira malapit sa lugar.

“It’s great for families that we have the opportunity to see them here on the street,” pahayag ng isang manonood.