Binalasa ang tinatayang 500 Immigration Officers (IOs) ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), bilang bahagi ng patuloy na programa ng ahensiya laban sa kurapsiyon at mabago ang serbisyo sa mga pasahero.
Sa ulat na ipinarating kay BI Commissioner Jaime Morente, nasa kabuuang 481 tauhan ang binigyan ng bagong assignments sa terminal 1, 2 at 3 ng NAIA bilang resulta ng balasahan.
Una nang nagpatupad ang BI ng balasahan noong Nobyembre 2017.
“There were no exemptions from the personnel movement, and we rotated not just terminals, but also shift schedules. The rotation was to prevent fraternization among employees, which is seen as a possible source of corruption in government,” paliwanag ng BI.
Makalipas ang anim na buwan, muling babalasahin ang mga IOs at tuluy-tuloy itong gagawin.
-Mina Navarro