Isang malaking underground lake ang na-detect sa unang pagkakataon sa Mars, nagtaas ng mga pag-asa na mas marami pang tubig – at marahil ay buhay – ang naroon, sinabi ng international astronomers nitong Miyerkules.
Matatagpuan sa ilalim ng layer ng Martian ice, ang lawa ay halos 20 kilometro ang lawak, saad sa ulat sa US journal na Science. Ito ang pinakamalaking bahagi ng liquid water na natagpuan sa Red Planet.
“Water is there. We have no more doubt,” sinabi ng co-author na si Enrico Flamini, mission manager ng Mars Express ng Italian space agency, sa press conference.
Excited ang researchers tungkol sa potensiyal ng mga matutuklasan pa sa hinaharap, dahil kung may natagpuang liquid water sa south pole ng Mars, posibleng mayroon din nito sa iba pang parte ng planeta.
“On Earth, where there’s water, there’s life. Could be we’re not alone,” tweet ng Canadian astronaut na si Chris Hadfield.
AFP