FINAL week na ng The Cure, na tinawag na “Viral Finale”. Inimbita ng cast ang lahat na tutukan ang natitirang mga episode ng epidemic drama para malaman kung anong klaseng cure ang nahanap para magamot ang mga infected ng Monkey Virus Disease.

Jennylyn copy

Nag-post si Jennylyn Mercado: “Samahan n’yo po kami sa huling 3 gabi ng The Cure!”

Kanya-kanya ng hula ang viewers kung sino ang magiging cure sa The Cure, dahil ang clue ni Jennylyn ay “tao” ang cure. Kaya makihula na rin kayo.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Gaya nina Tom Rodriguez, LJ Reyes, at Mark Herras, nag-enjoy din si Jennylyn sa action scenes na ginawa niya sa The Cure. Nabitin din si Jennylyn at gustong gumawa pa ng action project.

Samantala, tinapos lang ni Jennylyn ang taping ng The Cure at sisimulan na niya ang shooting ng gagawing pelikula, na bawal pang ipaalam. May gagawin din siyang drama series na sa ibang bansa raw ang taping.

Sa rami ng projects ng aktres, bawal pa silang magpakasal ni Dennis Trillo, at lalong bawal siyang magbuntis.

“Kaya nakakatawa ang tsismis na pregnant ako dahil hindi totoo? Saan ba nila nakuha ang balitang ‘yun? Uulitin ko, hindi ko na uulitin ang nangyari nang magbuntis ako kay Jazz. Blessing si Jazz sa buhay ko, pero hindi ko na uulitin ang pagkakamali ko,” wika ni Jennylyn.

-Nitz Miralles