Isasara sa motorista ang Commonwealth Avenue sa Quezon City sa Lunes para sa ikatlong State-of-the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte, ayon sa maagang abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Pinaalalahanan ng MMDA ang mga motorista sa Quezon City na gumamit ng mga alternatibong ruta sa Lunes dahil isasara sa trapiko ang Commonwealth Avenue, mula sa Tandang Sora hanggang sa Batasan, simula 12:01 ng madaling araw ng Lunes.

Maaaring dumaan ang mga motorista sa mga sumusunod na alternatibong ruta: southbound Fairview hanggang Quezon Memorial Circle, mula sa Commonwealth Avenue, kumanan sa Fairlane Street, kanan muli sa Dahlia Avenue, kaliwa sa Lilac o Chestnut, kanan sa Republic Avenue, Don Gregorio Road, Old Sauyo hanggang Mindanao Avenue.

Kung pabalik, mula sa Commonwealth Avenue, kanan sa Regalado Avenue, kumanan muli sa Republic Avenue, Don Gregorio Road, Old Sauyo Road hanggang Mindanao Avenue.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Para naman sa mga motorista sa eastbound, mula sa Quezon Memorial Circle, kumanan sa Visayas Avenue, kaliwa sa Congressional Avenue, kanan muli sa Mindanao Avenue, at kanan pa sa Old Sauyo o Quirino Highway.

Mula sa Quezon Memorial Circle, maaaring kumanan sa North Avenue, kanan sa Mindanao Avenue, kanan muli sa Old Sauyo Road o Quirino Highway, papunta sa patutunguhan.

-Bella Gamotea