Sinabi kahapon ng ex-officio member ng Judicial and Bar Council (JBC) na mayroong bentahe si Associate Justice Samuel Martires laban sa iba pang umaasinta sa pinakamataas na puwesto sa Office of the Ombudsman, dahil dati siyang Justice ng Sandiganbayan.

Sinabi ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng House Committee on Justice, na hindi na siya nasorpresa na inirekomenda ng 11 mahistrado ng Supreme Court si Martires para maging susunod na Ombudsman.

“He came from the graft court so he must be well verse on graft and corruption cases which is the mandate of an Ombudsman,” aniya sa isang panayam.

Sa kanilang en banc session nitong Martes, bumoto ang 12 SC justices pabor kay Martires na maging kapalit ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, na magreretiro sa Hulyo 26. Si Martires ang unang appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte sa SC.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

-Charissa M. Luci-Atienza