Inaresto ang isang lalaki matapos umanong masamsaman ng ilegal na droga sa anti-illegal drugs operation sa Taguig City, nitong Lunes ng gabi.

Nakakulong sa Taguig City Police at iniimbestigahan si Jeffrey Bartolay y Gibilagen, nasa hustong gulang, ng Mercado Compound, Barangay Hagonoy ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nagsagawa ng anti-illegal drugs operation ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 2 sa Maguindanao Street, sa Bgy. New Lower Bicutan at naaresto si Bartolay, dakong 6:30 ng gabi.

Nag-ugat ang operasyon sa natanggap na impormasyon mula sa isang concerned citizen kaugnay ng nagaganap na bentahan ng ilegal na droga sa nasabing barangay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakuha sa suspek ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu.

Nakatakdang sampahan si Bartolay ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-Bella Gamotea