Ipinag-utos ng Bureau of Customs – Port of Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) na kumpiskahin ang isang 80-seater aircraft matapos mabigo ang may-ari nito na bayaran ang customs duties and taxes nang ito ay angkatin.

Sinilip ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang sasakyang panghimpapawid na Magnum Air, Inc., na pinatatakbo ng SkyJet Airlines, na nakaparada sa General Aviation Area ng NAIA.

Sa ulat, ang Magnum Air ay dating rehistradong locator ng Subic Bay Metropolitan Authority ngunit inalis at tumigil sa operasyon noong 2014.

Unang inalerto ang naturang aircraft noong Marso 29, 2017 sa Port ng Subic at hiningan ng Letter of Authority (LoA) bilang patunay ng pagbabayad ng duties and taxes dahil walang record import entry o warehousing entry na iniharap ang mga may ari.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

“Presently, the aircraft is forfeited in favor of the government after finding that its importation was attended with fraud and for being used in commercial flights since its importation without payment of customs duties and taxes,” ani Lapeña.

Ito ay lumabag sa Sections 224 (Power to Inspect and Visit); 400 (Goods to be Imported through Customs Office); 401 (Importation Subject to Goods Declaration); at 405 (Liability of Importer for Duties and Taxes) na may kaugnayan sa Section 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture) ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

-Mina Navarro