Pacquiao, puwede pa kung hihirit si Mayweather, Jr.

KUALA LUMPUR – Tila hindi masusunod ang payo ni Pangulong Duterte – sa kasalukuyan -- na panahon na para sa pagreretiro ni Manny Pacquiao.

 NAKATAAS ang mga kamay, habang nakawagayway ang bandila ng bansa matapos ang isa pang pananakop ni Manny Pacquiao sa world boxing. (AP)

NAKATAAS ang mga kamay, habang nakawagayway ang bandila ng bansa matapos ang isa pang pananakop ni Manny Pacquiao sa world boxing. (AP)

Gigil pa ang damdamin at may angas pa ang mga kamao ni Pacman.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

At kung, magbabalik-aksiyon si Floyd Mayweather, Jr. kabilang siya sa kinokonsidera ng eight-division world champion bukod sa rematch kay Jeff Horn bago matapos ang taon.

Ipinahayag ni Pacquiao na handa siyang harapin muli ang tinaguriang ‘The Money’ sakaling magbabalik-aksiyon ang ‘undefeated world champion’.

“Let’s do a second one,” pahayag ni Pacquiao sa post-match interview nang matanong hingil sa posibilidad na Part 2 ng laban kay Mayweather.

Muling naging kampeon ang tinaguriang ‘Fighting Philippines Senator’ nang pabagsakin sa ikapitong round ang matikas na si Argentine WBA “regular” welterweight champion Lucas Matthysse nitong Linggo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa edad na 39-anyos, ipinapalagay nang marami na pagreretiro na ang kasunod kung natalo si Pacquiao sa laban.

Ngunit, tila iba ang nais ng kasaysayan.

Lumutang ang posibilidad para sa Pacquiao-Mayweather rematch.

Nagkaharap ang dalawa noong 2015 sa ipinapalagay na ‘biggest boxing match’ sa kasaysayan ng sports kung saan kapwa kumita ng US$200 milyon ang dalawang pound-for-pound fighter.

Tangan ni Pacquiao ang 60-7-2 karta, habang nagretiro si Mayweather na may 50-0 marka.

“Mayweather? If he decides to go back to boxing then that is the time we are going to call the shots,” pahayag ni Pacquiao sa media interview sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur.

“I have the belt, so it’s up to him. If he wants to come back in boxing let’s do a second one,” aniya.

Nagretiro ang 41-anyos na si Mayweather noong Agosto matapos manalo kay UFC superstar Conor McGregor via stoppage sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

“My next fight I want to defend my title, my belt and give a good show and do my best inside the ring,” pahayag ni Pacquaio.

Kabilang si Pangulong Duterte sa nagbigay ng payo kay Pacquaio na magretiro na at pagtuunan na lamang ng pansin ang pamilya at ang sariling kalusugan. Ngunit, ang akit ng boxing at tila magneto kay Pacman.

“Do I look like 39?” aniya na umani ng palakpakan at papuri mula sa crowd.

“As a 39 year-old, I’m still OK, I’m still fine. When you see me prepare for this fight, you can tell that I’m just like a 27-year-old,” aniya.

“I’m not gone, I’m still here. It’s just a matter of time and getting some rest.”

Bukod sa Horn rematch, posible rin a ng laban kay welterweight champion Terrence Crawford, lightweight king Vasyl Lomachenko, at Amir Khan.

“But I still I don’t know. Right now, I’m just so happy,” sambit ni Pacquiao.

“I am addicted to boxing. I really love to fight and bring honor to my country. That’s my heart’s desire.”

-Gilbert Espena