Bulagta ang tatlong hinihinalang carnapper sa “Oplan Sita” ng Quezon city Police District (QCPD), kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ni QCPD-PS6 commander, Police Supt. Joel A. Villanueva, naganap ang insidente sa checkpoint sa Payatas Road, Barangay Payatas, Quezon City, dakong 2:30 ng madaling araw.

Sinita umano ng awtoridad ang mga suspek, ngunit sa halip na tumalima ay pinaharurot at binaril umano ang mga pulis.

Dahil dito, ilang minutong nagka roon ng habul an s a lugar hanggang sa nakorner at nagkapalitan ng bala at tuluyang bumulagta ang mga suspek.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Nakuha sa pinangyarihan ang tatlong cal .38 at dalawang motorsiklo na walang plaka.

-Jun Fabon