NAKITA namin sa 2nd EDDYS Awards night si Cavite Vice Governor Jolo Revilla, kasama ang mga kapatid na sina Bryan at Luigi bilang presenters, at napag-alaman niyang hindi pala naisama ang pelikulang 72 Hours sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018.

jolo and jodi

“Hindi talaga aabot sa PPP, hindi pa kasi kami tapos,” saad ni Jolo.

At kung hindi magbabago ang naunang plano ay sa Oktubre ngayong taon ipalalabas ang 72 Hours, na produced ng Imus Productions. Ang tatlong magkakapatid ang bida sa trilogy story.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

At siyempre, kinumusta namin ang puso ng magiting na bise gobernador ng Cavite.

“Ayos naman, okay naman,” naniningkit ang mga matang sabi sa amin.

Nagkakausap pa ba sila ng ex-girlfriend niyang si Jodi Sta. Maria?

“Wala, hindi na,” mahinang sabi sa amin.

Umiiwas si Jolo na pag-usapan ang aktres. At sinabihan na lang kami: “Basta tatawagan kita, magkikita pa tayo.”

-Reggee Bonoan