Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

1:45 n.h. -- Creamline vs Pocari-Air Force

3:45 n.h. -- PayMaya vs BanKo-Perlas

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

DALAWANG rubber match ang isasagawa ngayong hapon upang alamin ang maghaharap sa finals ng Premier Volleyball League (PVL) Season 2 Reinforced Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Inaasahang all out ang ipapakita ng mga protagonists na Creamline, Pocari-Air Force, PayMaya at BanKo-Perlas sa kanilang mga tapatan para makamit ang inaasam na finals berth.

Inagaw ng Cool Smashers at High Flyers ang momentum matapos ang kani-kanilang Game Two wins, ngunit sigurado namang di basta bibigay ang Lady Warriors at Perlas Spikers.

Unang magsasabong ngayong hapon ang top-seeded Creamline at No. 4 Pocari ganap na 1:45 ng hapon na susundan ng sagupaan ng No. 2 PayMaya at 3rd ranked BanKo-Perlas ganap na 3:45 ng hapon.

“Everybody really wanted to win,” pahayag ni Alyssa Valdez.“We actually talked about our Game One loss and we made the adjustments. We showed that in Game Two and we hope to sustain it in the do-or-die.”

Ngunit, inaasahan nila ang pagbawi ng Lady Warriors upang patuloy na buhayin ang kanilang title-retention drive.

Sa panig naman ng PayMaya, umaasa silang makapagpakita ng killer instinct na nakitang kulang nila noong Game Two bago sila isinalba ni Grethcel Soltones’ sa crucial stretch.

“I told the locals to do their job and not just rely on the imports,” ani PayMaya coach Roger Gorayeb,. ”I told Grethcel and the others that if she can’t attack and receive, the others will take care of offense.”

Para naman sa BanKo-Perlas inaasahan naman ni coach Ariel dela Cruz na mag i-step-up ang kanilang mga locals para suportahan sina import Jutarat Montripilla at Kia Bright.

-Marivic Awitan