Hiniling ng isang mambabatas sa Commission on Election (Comelec) na paigtingin ang pagsisikap upang matiyak na mas maraming kasapi ng Indigenous People (IP) o katutubo ang mairerehistro para makaboto sa 2019 elections.

Ito ang panawagan ni Rep. Jose Panganiban Jr. (ANAC-IP) kaugnay sa voter registration para sa May 2019 national and local elections, na nagsimula nitong Lunes.

“I hope that the Comelec will intensify its efforts so that more IP members get to register in time for the mid-term elections next year,” ani Panganiban.

Tinatayang nasa 17 milyon ang populasyon ng mga katutubo sa bansa, ngunit 100,000 lamang ang registered voters ayon sa Comelec.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikula; sinong leading man?

-Bert De Guzman