Patay ang isang hinihinalang leader ng isang robbery group makaraang makaengkuwentro ang mga pulis sa Bacoor City, Cavite kahapon.

Ayon kay Bacoor City police Chief Supt. Vicente Cabatingan, kinilala ang napatay na suspek na si Roldan Maiso sa Barangay Panapaan 4, Bacoor City, dakong 1:00 ng madaling araw.

Si Maiso ang sinasabing bumuo ng Maiso robbery and hold-up group na tumatarget sa mga kainan sa Cavite.

Sa ulat, sinilbihan ng warrant of arrest si Maiso, para sa kasong frustrated homicide, ngunit pinaputukan nito ang mga pulis hanggang sa siya ay bumulagta.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Fer Taboy