NAPAGOD kaming basahin ang lahat ng tanong kay Kris Aquino na naka-post sa kanyang Instragram, na umabot sa 4,648.

Vice copy

Nitong Linggo ay nagmistulang talk show ang IG account ni Kris. Ito ang naging reaksiyon ng kanyang followers sa post niya: “Let’s have an IG Q&A. I’ll entertain your questions & answer as honestly as I possibly can from 4-5PM. Please like this post and let’s start talking.”

Maraming tanong na personal, below the belt, at may nangumusta pa nga sa relasyon ni Kris kina Boy Abunda at Vice Ganda, na parehong malapit sa kanya noong may show pa siya sa ABS-CBN.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Ang isa sa mga paboritong itinanong sa Queen of Social Media mula kay @mariuy888 ay “May chance pa ba na magkabalikan kayo ni HB?” Ang tinutukoy ay si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Sagot ni Kris, “@mariuy888 last question I’m answering—I don’t think we ever really began—so walang babalikan…if the question was kung gugustuhin kong to meet HB all over again NOW, then the answer would be a YES.”

May malakas ang loob na nagtanong din tungkol sa pagkalalaki ni James Yap, ang ex-husband ni Kris: “@a.bnll Mis Kris, daks ba si James? Ha ha ha, jokee love you Krissy and Josh and Bimb.”

In fairness, sinagot ni Kris ang tanong in a proper way: “@a.bnll maybe that question is best directed to his current partner? #proper.”

May nagtanong din, “Are you and Boy Abunda still friends?”

Kaagad itong sinagot ni Kris ng, “Yes.”

Tinanong din ang Queen of Online World and Social Media: “Are you still friends with Vice Ganda?”

Maraming nagtaka sa sagot ni Kris na, “I hope so.”

Nag-follow up question pa tuloy: “What do you mean by I hope so?” Pero hindi na ito sinagot ng dating “asawa” ni Vice.

Kaya naman ang daming nagtatanong ngayon kung may isyu ba sina Kris at Vice

-REGGEE BONOAN