SAMA-SAMA ngayon ang mga sports officials at mga atleta sa isang pisikal, ngunit masayang kompetisyon sa pagsasagawa ng Olympic Day na gaganapin sa tack and field oval ng Philsports Complex sa Pasig City.

Ang isang araw ng laro at saya ay bahagi ng pagsusulong ng Olympic body sa pagkakaisa. Kabilang sa gawain ang Zumba.

“The POC invites everyone to join in celebrating more than just sports, but also the ideals and values that define the Olympic Movement,’’ pahayag ni POC deputy secretary general Karen Tanchanco-Caballero.

Darating ang ilang kilalang personalidad ng POC sa pangunguna nina POC president Ricky Vargas kasama sina POC chairman Abraham ``Bambol’’ Tolentino, secretary general Patrick Gregorio, Frank Elizalde na dating kinatawan ng International Olympic Committee IOC para sa Pilipinas, kasama din ang kasalukuyang IOC representative na si Mikee Cojuangco-Jaworski, Ed Picson na siyang communications director at ang mga board members.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“The event welcomes NSAs, elite athletes and notable sports leaders and personalities to come together with friends and family to enjoy a day of discovering and learning something new through sports,’’ sambit ni Caballero.

“We are excited to reintroduce the values of Olympism not just as sports excellence, but as a way of life,’’ ayon sa pinuno ng Philippine Amateur Sepak Takraw Association (PASTA).

-Annie Abad