Kinontra ni Senador Panfilo Lacson ang iminungkahi ni Davao City Mayor Sara Duterte sa ama nitong si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kontrobersiyang kinasasangkutan nito.

“It is good advice, but may not be applicable because her father is the President of the Republic. When the President talks, Filipinos listen for different reasons. Some are waiting for his mistakes so they can have a field day criticizing him; others want to be informed, so they will learn and be guided by his policy statements; the rest may simply want to be entertained, and make their day. In any case, we all listen,” pahayag ni Lacson.

Apela ng senador, hindi dapat maging “selective” ang mamamayan sa pakikinig sa Pangulo.

Ito ang naging reaksiyon ni Lacson sa naging pahayag ni Sara na, “huwag pakinggan ang kanyang ama, dahil hindi naman ito eksperto sa Bibliya o kaya Quran.”

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Samantala, iginiit ni Senador Antonio Trillanes IV na dapat maging responsable si Duterte.

“Dapat responsable siya sa bawat salita na lumalabas sa bibig niya. Hindi ‘yung mga Filipino o nakakarinig sa salita niya ang bahalang mag-filter kung ano ang paniniwalaan o hindi. Dapat lahat ng sinasabi ng pangulo ng bansa ay may presumption na ito ay totoo at ito ay tama. So kung ganyan ang sinasabi niya, ni Duterte, kung nakaka-offend ‘yan dapat seryosohin natin ‘yan,” sabi pa ni Trillanes.

-Leonel M. Abasola