SORSOGON CITY – Patay ang isang dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nang mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Sorsogon City Police at ng Sorsogon PNP-Provincial Intelligence Branch (PIB) dito, nitong Martes ng hapon.

Kinilala ni Senior Superintendent Marlon Tejada, director of Sorsogon Provincial Police Office (PPO), ang napatay na si Ariel Marasigan, alyas Marlon, 31, isang AWOL army, at residente ng Gumaca, Quezon ngunit naninirahan sa Barangay Cambulaga, Sorsogon City.

Ayon kay Tejada, isinagawa ang operasyon laban sa suspek sa bahay nito ngunit tumangging maaresto at nagkapalitan ng bala na nagresulta sa pagkamatay ng suspek, bandang 4:30 ng hapon.

Dagdag pa ni Tejada, bagong drug personality ang suspek sa Sorsogon at na-AWOL sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

-Niño N. Luces