NAKAKATUWA ang fans nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban dahil sa halip na mag-worry dahil nabangga ang dalawa, ay kinilig pa ang CarGel fans dahil magkasama ang dalawa sa kotse. Sila lang ang nasa sasakyan, walang kasamang handler at mga kaibigan.

Carlo at Angelica copy

“Ang usapan, joyride... Bakit tayo nabangga? etong mga batang 90’s na ‘to! Pariwara! #DeserveMoAngFeedpost #TanghalingTapatKasi,” post ng isang fan.

Gumawa pa ng istorya ang mga kinilig na fans. Kaya raw nabangga ang sinasakyan ng dalawa dahil excited si Carlo na makasama si Angelica. May nag-wish naman na sana, magkabalikan na ang mag-ex at totohanang balikan, hindi lang dahil may pelikula silang ginagawa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, may title na ang unang pelikulang pagtatambalan ng CarGel at bagay sa kanila ang napiling title ni direk Dan Villegas at Blacksheep PH, ang Exes Baggage.

Mukhang malapit nang ipalabas ang pelikula. Excited much!

-Nitz Miralles