Patay ang multi-awarded at kilabot na pulis sa Cebu City na si SPO1 Adonis Dumpit sa buy-bust operation ng mga pulis at ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Tagbilaran City, Bohol, kahapon ng umaga.

TODAS SA BUY-BUST Nasa larawan si SPO1 Adonis Dumpit na napatay sa buy-bust operation ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Regional Intelligence Division (RID) sa Bohol, nitong Miyerkules ng umaga. (JUAN CARLO DE VELA)

TODAS SA BUY-BUST Nasa larawan si SPO1 Adonis Dumpit na napatay sa buy-bust operation ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Regional Intelligence Division (RID) sa Bohol, nitong Miyerkules ng umaga.
(JUAN CARLO DE VELA)

Dead on the spot si Dumpit sa joint operation na pinangunahan ng NBI, sa pamumuno ni Atty. Renan Oliva, katuwang ang Tagbilaran City police, ayon sa Police Regional Office-Central Visayas (PRO-7).

Naganap ang shootout malapit sa tirahan ni Dumpit sa Dagohoy Road, San Isidro District, Tagbilaran City, Bohol, bandang 8:20 ng umaga.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nag-ugat ang engkuwentro nang paputukan umano ni Dumpit ang mga awtoridad na aaresto sa kanya.

Si Dumpit ay dating escort ni Cebu Mayor Tomas Osmeña at naging kontrobersiyal dahil sa paniniwalang siya ang nasa likod ng vigilante killing sa Cebu nang pangunahan niya ang isang police anti-crime group "Hunter’s Team" noong 1990.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

-Calvin D. Cordova at Beth Camia