Umarangkada ang unang biyahe ng Philippine Airlines sa Puerto Princesa International Airport nitong Sabado, na nagmamarka ng simula ng regular na biyahe nito na Puerto Princesa-Seoul (Incheon) South Korea, pitong beses sa isang linggo. Araw-araw munang bibiyahe sa ruta ang PAL mula Hunyo 23 hanggang sa Oktubre 27.

Ginagamit ng PAL ang A321 type single-aisle aircraft na kayang magsakay ng 199 pasahero at 12 toneladang cargo.

Regular na aalis ang PAL Flight PR 474 sa Puerto Princesa dakong 5:00 a.m. at darating sa Incheon bandang 6:30 a.m. Aalis naman ang flight PR 475 mula sa Incheon dakong 8:25 a.m. at darating sa Puerto Princesa dakong 12:05 p.m. araw-araw.

“This is a historic occasion in line with the government’s promise to lure more international tourists to come to Puerto Princesa”, sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Capt. Jim C. Sydiongco. PAL is the first to heed the call.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

-Ariel Fernandez