Nalagutan ng hininga ang isang preso matapos mawalan ng malay sa Parañaque City Police, nitong Lunes ng umaga.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Parañaque si Gabriel Garay, Jr. y Cantonos, 41, na nahaharap sa kasong Illegal Possession of Deadly Weapon.

Ayon sa ulat na ipinarating ni Supt. Jenny Tecson, tagapagsalita ng Southern Police District (SPD), bumagsak at nawalan ng malay ang biktima sa loob ng male custodial facility ng Parañaque Police, bandang 11:33 ng umaga.

Agad isinugod sa naturang ospital ang biktima ngunit namatay din, pagsapit ng 3:10 ng hapon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ocular inspection sa bangkay ni Garay, wala itong external injury.

-Bella Gamotea