SI Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid ang host ng new search for solo singing superstar na The Clash, at ilang buwan din siyang naglibot sa one-on-one battles ng mga singing hopefuls na nag-audition sa iba’t ibang lugar sa bansa.
At mula sa thousands na nag-audition, nabuo na ang Top 62 Clashers.
“Very excited na ako sa pagsisimula ng program namin that will showcase the talent and star power of the aspirants na pinili namin,” sabi ni Regine. “Excited ako kasi we have a good set of singers na maglalaban-laban. I’m sure na sa una, kakalabanin talaga ng mga singers na ito iyong sarili nila, kasi siyempre, kakabahan sila. But ako, my only advice to them is to use this nervousness to empower them,” sabi ni Regine.
Nahati na nga ang Top 62 clashers na magko-compete sa pagsisimula ng show sa July. Sa Metro Manila, may 14 aspirants, pito sa Northern Luzon, 12 sa Central Luzon, pito sa Southern Luzon, siyam sa Visayas, at 10 naman sa Mindanao.
May four international challengers: sina Cleo Lagunilla, Jasmine Fitzgerald, Mika Gorospe, at Rachel Bergado, na puwede ring magkaroon ng chance na tawaging first “The Clash Champion.”
Ang screening panel ng The Clash ay binubuo ng iconic OPM songwriter na si Vehnee Saturno, ng singer-composer and record producer na si Jay Durias, at ng TV director na si Bert de Leon, na katuwang ni Regine sa nationwide search.
Si Louie Ignacio ang direktor ng The Clash.
For more information, kindly follow their Facebook page @The ClashGMA.
-NORA V. CALDERON