BIHIRA at hindi inasahan ng marami ang pag-apela ni United State First Lady Melania Trump upang ihinto ang kontrobersiyal na taktika ng mga opisyal ng American immigration na naghihiwalay sa mga bata mula sa kanilang mga magulang sa pagdating nila sa hangganan ng Amerika at Mexico.
Ipinag-utos ni Pangulong Trump ang polisiyang “zero-tolerance” sa seguridad ng hangganan, kung saan inihihiwalay ang mga bata sa kanilang pamilya habang dinadala ang matatanda sa hiwalay na pasilidad sa loob ng ilang linggo para sumailalim sa imbestigasyon. Sa nakalipas na anim na linggo, mahigit 2,000 menor de edad ang nawalay sa kani-kanilang magulang.
“What the administration has decided to do is to separate the children from their parents to send message that if you cross the border with children, your children are going to be ripped away from you,” pahayag ng isang senador sa isang panayam. “That’s traumatizing to the children who are innocent victims and is contrary to our values in this country.”
Idinagdag naman ng isang mambabatas na: “This new policy of the Trump administration is undermining the founding values of this country. We saw fear in the eye of these children who are wondering if they will see their parents ever again. It’s disgraceful. It’s shameful. It’s un-American.” Binisita ng isang grupo ng mga mambabatas ang lumang warehouse sa South Texas at natagpuan dito ang daan-daang bata sa isang seksiyon, kabilang ang isang apat na taong gulang.
Iginiit ni Pangulong Trump na sinusunod lamang niya ang batas sa liham, ngunit idiniin ng kongresista na: “The president is not telling the truth. There’s no policy that has allowed him to snatch children away from their families.”
Hindi kilala si Gng. Melania Trump na nagsasalita tungkol sa mga lumalabas na isyu, ngunit ginawa niya ito sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita na sinabing: “Mrs. Trump hates to see children separated from their families and hopes both sides of the aisle can finally come together to achieve a successful immigrant reform... She believes we need to be a country that follows all laws, but also a country that governs with heart.”
Matagal nang itinataguyod ni Pangulong Trump ang anti-immigrant policy, na nagbabawal sa pagbisita ng mga dayuhan mula sa ilang Muslim-majority na bansa sa Gitnang Silangan, pagpapabalik sa mga pinagmulang bansa ng mga ilegal na imigranteng bata na lumaki sa US, at ang pagbabanta ng pagtatayo ng pader sa kahabaan ng buong hangganan ng Amerika at Mexico.
Nitong Miyerkules, limang estado ng Amerika—ang Maryland at Massachusetts na pinangungunahan ng Republican governor at Colorado, New York at Virginia sa Democratic nitong gobernador—ang tumangging magpadala ng National Guard troops para bantayan ang mga hangganan ng Amerika.
Tayo sa Pilipinas ay matagal nang sumusubaybay sa mga pagbabago ng imigrasyon sa Amerika, isa sa mga dahilan nito ang katotohanan na maraming Pilipino ang naninirahan ngayon sa Amerika, kabilang ang maraming TNT o tago ng tago na maaaring mapauwi sa bansa.
Subalit ang kasalukuyang suliranin ng paghihiwalay ng mga bata sa kanilang mga magulang na naghahanap ng pagkupkop sa Amerika sa hangganan ng US at Mexico ay isang apela sa buong sangkatauhan, na kahit ang dating tahimik at hindi nakikialam sa aksiyon ng administrasyon nasi First Lady Melania Trump ay nagdesisyong magsalita. Sa pinakabagong ulat, binawi ni Pangulong Trump ang kanyang separation policy sa ilalim ng great national at international pressure. Tinatanggap natin ang hakbang na ito at umaasa tayong mayroon pang matuldukang polisiya gaya nito.