Pinalalagyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng health warning ang sugar-based juices at beverages tulad ng nakalagay sa mga pakete ng sigarilyo.

Sa pulong balitaan sa Malacanang, sinabi ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na nais ng Pangulo na mabalaan ang consumers sa masamang epekto ng sobrang asukal sa katawan.

Dapat aniyang ilagay sa harapan ng mga pakete ng produkto ang health warning para agad na makita at mabasa ng mamimili. Ipatutupad ito sa susunod na buwan o sa Agosto.

-Beth Camia

Catriona ibinuking katangian nina Anne, Jericho bilang co-stars