Tiniyak kahapon ni acting Supreme Court Chief Justice Antonio Carpio na tatanggihan niya ang inaasahang pag-nominate sa kanya para sa posisyong binakante ng pinatalsik na si Maria Lourdes Sereno.
Ayon sa kanya, kapag binuksan na ng Judicial Bar Council ang aplikasyon sa nasabing posisyon ay hindi niya pauunlakan na maisama siya sa mga nominado.
Pinanindigan ni Carpio na ayaw niyang makinabang sa naging desisyon ng Korte Suprema na patalsikin nang tuluyan si Sereno sa puwesto sa pagpabor sa quo warranto petition na inihain laban dito.
Una nang inihayag ni Carpio na hindi tamang patalsikin ang isang miyembro ng hukuman sa pamamagitan ng quo warranto.
-Beth Camia