HINDI maikakaila ang pagkahumaling ng Pinoy sa sports na basketball. At sa nakalipas na panahon, lumalaki ang bilang ng mga players na tunay namang determinado na makaangat sa isat’t isa.
Ngunit, hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makalaro sa commercial league, higit sa PBA.
Sa kawalan ng sapat na ligang mapaglalaruan, gayundin sa pagdagsa ng Fil-foreign talents, karamihan sa mga homegrown players ay napagkakaitan ng pagkakataon na maiangat ang antas ng kanilang talento.
Ang naturang dilemma ang target na maaabatan ng pinakabagong liga sa bansa – ang National Basketball League Philippines (NBL) na nakatakdang magsimula sa Agosto. Hangarin ng liga na mabigyan ng pagkakataon ang mga homegrown talents at mga undrafted pro players na makapaglaro kung saan maipamamalas nila ang kanilang husay at galing.
“This is totally different from other leagues and this is an amateur league,” pahayag ni NBL Chairman Celso “Soy” Mercado. “It is an opportunity for undrafted players and also focusing on homegrown talent.”
Isinantabi ng MBL ang isyu na kompetisyon sa ibang liga, higit at ang tangi nilang layunin ay mapagsama-sama ang mga mahuhusay ngunit napagkainitan na mang amateur at professional players.
“We are an alternative and complimentary league for players aged 18 to 29 years old,” sambit ni Mercado.
Batay sa league regulation ang bawat koponan ay kakatawanin ng kani-kanilang LGU (Local Government Unit) ang maglalaban ang mga koponan sa NCR, Luzon, Visayas at Mindanao. Ang mga kampeon sa bawat region at maglalaban para sa National Championship.
Ang bawat koponan ay binubuo nang mga players na residente sa naturang munisipalidad. Papayagan ang bawat koponan na magdagdag ng dalawa hanggang tatlong import na may isang taon nang naninirahan sa lugar na kakatawanin ng koponan.
“In case puno na ang isang team, pwede sila maglaro on other teams. However, this will require the consent of their mother team,” pahayag ni Mercado.
“Ang exception lang is yung NCR dahil kasi andito lahat ng players. So for example, isang player pede maglaro sa QC (Quezon City) or Makati, basta resident ka ng Metro Manila. Di katulad ng provinces, kasi malalayo.”
Bukas din ang liga sa Filipino- Americans, ngunit kailangan nilang magsumite ng kaukulangg dokumento at patunay na may dugo silang Pinoy.
Nakatakdang magbukas ang NBL sa Agosto 18, 2018.
-BRIAN YALUNG