NAGBIGAY ng pahayag si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez hinggil sa umuugong na balita na diumano’y pagpapalis sa puwesto ni dating PBA player Ramon Fernandez bilang commissioner ng nasabing ahensiya.

Ayon kay Ramirez, kasalukuyang nakabakasyon, wala umanong dahilan upang palitan si Fernandez sa kanyang puwesto at magsisilbing Officer-in-Charge umano ang dating PBA great habang siya ay wala sa kanyang tanggapan.

“As far as I am concerned, he is still our Commissioner and he will act as an OIC and acting chairman,” ayon sa mensahe na ipinadala ni Ramirez.

Naniniwala naman si Fernandez na gawa gawa lamang di umano ng mga taong hindi gusto ang kanyang sistema sa pagsisiwalat ng mga kontrobersiya sa larangan ng sports.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“It’s not true,” ani Fernandez. “Tsismis lang ‘yan, o ‘ika nga fake news. Siguro may mga grupo o tao lang ayaw ng sistema natin when it comes to being transparent kaya siguro gumagawa sila ng mga ganyang klaseng balita. But it’s definitely not true,” aiya.

Matatandaan na si Fernandez ang unang PSC Commissioner na nagsiwalat ng ilang katiwalian sa dating pamunuan ng Philippine Olympic Committee (POC) sa ilalim ng pamamalakad ng dati nitong presidente na si Jose “Peping”Cojuangco na kalaunan ay napalitan bilang presidente ng Olympic body.

Si Fernandez din ang nagpursigi na makasuhan ang dating Secretary General ng Philippine Karatedo Federation (PKF) na si Reymond Lee Reyes ng malversation of public funds bunsod sa maling paggamit sa pondo na ibinigay ng PSC sa training nito sa Europa noong nakaraang taon.

-Annie Abad