MOSCOW (AP) — Tuloy ang alat sa laro ni Lionel Messi.

Sa isa pang pagkakataon sa World Cup, nagmintos ang Argentinian star dahilan para mauwi sa 1-1 draw ang laro ng liyamadong Argentina laban sa sa Iceland nitong Sabado.

Nabigo ang isa sa pinakamayamang atleta sa mundo na akayin ang Argentina nang sumablay sa kanyang penalty shot sa ika-64 minuto ng laro. Nagawang mapigil ni Hannes Halldorsson ang tira ni Messi.

Ito ang ikaapat na sunod na mintis ni Messi sa penalty sa nakalipas na pitong laro sa Argentina at Barcelona.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA