Mga Laro Ngayon

PBA Sched june 13 copy

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- Globalport vs San Miguel Beer

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

7:00 n.g. -- Magnolia vs TNT

MAKAANGAT sa liderato ang tatangkain ng TNT Katropa sa pagsabak kontra Magnolia sa tampok na laro ngayon sa 2018 PBA Commissioner‘s Cup sa Araneta Coliseum.

Magkataliwas ng kapalaran ang dalawang koponan dahil tatangkain ng Katropa na maitala ang ikaapat na sunod nilang panalo habang pagsisikapan naman ng Hotshots na makaiwas sa pangapat na sunod na kabiguan sa kanilang laro ganap na 7:00 ng gabo.

Ngunit, matagal na nabakante ang Katropa na huling sumabak noong Hunyo 1 kung saan nila naitala ang ikatlong dikit nilang panalo matapos igupo ang NLEX, 117-106, kumpara sa Hotshots na huling natalo nitong nakaraang Linggo sa Alaska, 99-103.

Gaya ng sinisikap nilang gawin sa nagdaan nilang laban, muling pahahabain ng Katropa ang playing time ng import na si Joshua Smith para magkaroon ng maraming options.

Sa kabilang dako, aminado namang hirap sa pagkawala ng dalawa nilang big men na sina Mark Pingris at Ian Sangalang, sisikaping makapag-adjust ng Hotshots upang makabalik sa kanilang winning ways.

“Medyo talagang mabigat sa amin na walang post threat right now. Si Ian talaga at si Ping. I mean talagang hirap yung guards ko,” pahayag ni Magnolia coach Chito Victolero..

“We’ll try to find ways. Hindi pa naman kami out, so we will try to find mga puwede naming gawin para kahit papano makuha namin next game,” aniya.

Kasalukuyang nasa ika-6 na puwesto ang Magnolia hawak ang 3-4, marka kasalo ng Globalport na sasabak naman sa unang laban kontra defending champion San Miguel Beer habang nasa ikalawang puwesto ang Katropa hawak ang markang 6-1, kapantay ng Alaska kasunod ng solong lider Rain or Shine (7-1).

Hahanapan din nila ng paraan na mag-improve ang freethrow shooting ng bago nilang import na si Justin Jackson na nagtala lamang ng 3-13 sa kanilang laban kontra Aces.

“We’ll just try to on these next two days paano ma-improve yung free throws,” ani Victolero .

Sa unang laro, ikaapat na dikit na panalo rin ang target ng Beermen na huling nagwagi sa Columbian Dyip, 129-117, nitong Hunyo 6 para sa ikatlong dikit nilang tagumpay na nag-angat sa kanila sa patas na markang 3-3.

Para sa Batang Pier, hangad nilang makabalik sa win column makaraan ang dalawang dikit na kabiguan, pinakahuli nitong Hunyo 2 sa Aces.

-Marivic Awitan