NATATANDAAN mo ba sina Hulk Hogan? Si jake ‘d Snake o kaya’y si Andre ‘D Giant?

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga American wrestlers na pumukaw sa kamalayan ng Pinoy noong dekada 80. Magpahanggang ngayon ang World Wrestling Federation (WWF) ay naghahatid ng saya at aksiyon sa mga Pinoy wrestling fans.

Bigyang daan ang makabagong Pinoy wrestling.

Isang grupo ng wrestling aficionado ang nagbuo at nagtatag ng ‘The Art of War Wrestling’ na naglalayong buhayin ang wrestling bilang isang uri ng ‘entertainment’ sa sports-minded Filipino.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“The AoW is planning to bring pro wrestling closer to the people through a series of promotions featuring our top fighters,” pahayag ni Vince Pajaro, chief ng AWW.

Humingi ng ayuda ang grupo sa Games of Amusement Biard (GAB) hindi lamang para maging lehitimong grupo bagkus mabigyan ng gabay ang mga atleta na sasabak para sa torneo.

“Matagal na rin namang nagkakaroon ng ganitong promotions sa bansa pero marami ang sumasabit kasi kanya-kanya, walang supervision ng GAB. Kami gusto naming maging legit na grupo, para mapanganlagaan din ang aming mga wrestlers,” sambit ni Pajaro.

Sa pakikipagpulong, iginiit ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, na malaki ang pontensyal ng AWW, ngunit ang tema ng kanilang programa ay maituturing na ‘entertainment wrestling’.

“Validate natin yung buong concept. But, right now, natutuwa po kami dahil ang ating mga sports promoters ay nagkukusang ma-sanctioned sila ng GAB,” sambit ni Mitra.

Inamin ni Mitra na nakatanggap sila ng mga reklamo hingil sa ‘underground’ wrestling promotions na karamihan ay nauuwi sa disgrasya.

“Ang kawawa rito ang mga atleta. Kung pasok ang GAB, siguradong protekado namin sila dahil talagang mananagot yung mga promoters sa amin,” aniya.

Nauna nang humingi ng sanctioned sa GAB ang jiu-jutsi na pinamumunuan ni Mixed Martial Arts founding father Alvin Aguilar.

“This is a step in the right direction for AoW,” pahayag ni Mitra.

“As the government regulatory body under the Office of the President, GAB is tasked to oversee all professional sports as well as the welfare of the athletes.”

Bilang patunay na kagigiliwan ang AOW, nagpamalas ng exhibition match ang ilang Pinoy wrestling.

“Talo pa ang mga American pro wrestlers,” sambit ni Mitra.

-Edwin G. Rollon