SIMULA nang iniere ng GMA Network ang teaser ng You’re My Destiny bilang unang Lakorn sa Philippine TV, naging tanong na ng marami kung ano ang ibig sabihin ng Lakorn?
Ayon kay Joey Abacan, GMA First Vice President for Program Management, Lakorn ang tawag sa mga teleserye na gawa sa Thailand. Si Mr. Abacan ang pumupunta sa mga film and TV markets abroad para mamili ng ibang klase ng entertainment para mapanood ng mga Pinoy.
“This is why we are called the Heart of Asia. We believe that the viewing preference of our audience is not only limited to the local setting, so we want to bring them to the world. Now, ang gusto namin, ‘di lang tayo makilala as the Heart of Asia, but hopefully, as the Heart of the World.”
Naniniwala rin si Mr. Abacan na isang malaking sugal ang pagpapalabas ng teleserye ng ibang bansa sa Pilipinas, pero tiwala siyang papatok sa Pinoy viewers ang You’re My Destiny.
At mistulang tama ang pulso ni Mr. Abacan. Sa simula pa lamang ng You’re My Destiny ay nagustuhan na ng Kapuso viewers ang story nina Paolo (Wisetkaew Sukrit), tagapagmana ng isang malaking kumpanya; Martina (Esther Supreeleela), law firm clerk na madalas sinasamantala ng mga katrabaho ang angking kasipagan; Cathy (Wecks Lanlalin), ballerina girlfriend ni Paolo; at Rafa (Tre Porapat Srikajorn) isang ampon na nagsikap sa ibang bansa para mahanap ang nawawalang kapatid.
Ano ang mangyayari sa isang gabi na may naganap kina Paolo at Martina?
Thankful si Mr. Abacan na sa first week pa lang ng You’re My Destiny ay mataas na kaagad ang rating nito.
Kaya naman inihayag niyang may nakuha na ring teleserye ang GMA mula sa India, Turkey at Indonesia at ipapanood din ang mga ito sa mga Kapuso.
Napapanood ang You’re My Destiny pagkatapos ng Inday Will Always Love You nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.
-Nora V. Calderon