Patay ang isang inmate nang sumpungin ng asthma sa loob ng selda sa Taytay, Rizal kamakalawa.

Nai sugod pa sa Taytay Emergency Hospital si Jayson Pamintuan Fermato, nasa hustong gulang, ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, naganap ang insidente sa loob ng naturang bilangguan, bandang 6:14 ng umaga.

Posibleng dahil umano sa malamig na panahon ay sinumpong ng asthma ang biktima.

National

DepEd, pinabulaanang tatanggalin K-12 sa S.Y 2025-2026

-Mary Ann Santiago