PARIS (AP) — Pagdating sa clay court, tunay na natatanging player si Spaniard Rafael Nadal.
Nahila ni Nadal ang marka sa French Open sa ika-11 titulo nitong Linggo (Biyernes sa Manila) nang dominahin ang mas bata at No.7 seed na si Dominic Thiem, 6-4, 6-3, 6-2, sa Roland Garros.
Nagawang makontrol ng 32-anyos ang sitwasyon sa kabila nang paninigas ng kaliwang hinlalato na nagdulot nang panandaliang alalahanin sa kampo ni Nadal.
“Tough moment,” pahayag ni Nadal. “I was very scared.”
Sa kabila nito, matikas na nakihamok ang Grand Slam champion para sa isa pang major title.
“There is a reason why he won 11 times here,” pahayag ni Thiem, pahayag ng 24-anyos na si Thiem, sumabak sa kauna-unahang career Grand Slam finals. “It’s definitely one of the best things somebody ever achieved in sport.”
Nasa kanyang tahanan at nanonood lang ng TV si Thiem noong 2005 nang sa edad na 19-anyos ay nasungkit ni Nadal ang unang Grand Slam trophy sa Paris. Nadomina niya ito sa sumunod na apat na taon hanggang 2008 at nakaulit mula 2010-2014.
Idagdag ang tatlong US Open titles, dalawang Wimbledon at isang Australian Open, tangan ni Nadal ang kabuuang 17 majors, ikalawang pinakamarami sa likod ni Roger Federer (20).
Bunsod nang panalo, naagaw ni Nadal ang world No.1 ranking kay Federer.
Sa kabuuan ng career ni Nadal sa clay, tanging si Thiem ang nakapagbigay sa kanya ng dalawang kabiguan -- sa Rome noong May 2017 at Madrid nitong Mayo.
“I’am sure you will win here in the next couple of years,” pahayag ni Nadal, patungkol kay Thiem sa post-match interview.