NAGPAKITANG gilas si Singapore-based Fide Master Roberto Suelo Jr. para masikwat ang huling nalalabing tiket sa Batumi sa isang laro na rapid playoff format nitong weekend sa Alphaland Makati Place sa Makati City.
Ang dating top player ng Barangay Malamig, Rizal Technological University chess team sa Mandaluyong City ay namayani kontra kay Fide Master Roel Abelgas para sa huling silya sa National Finals.
“It was an intense battle for the last remaining slot to the National Finals on Sunday,” sabi ni Suelo, active member ng International Churches of Christ sa Singapore sa post-game interview.
Tumapos ang 1996 Philippine Junior Champion ng undefeated sa elimination round na may two wins at five draws sa seven outings.
Ang week-long event na suportado nina National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Chairman/President Rep. Prospero “Butch” Pichay Jr. , Philippine Sports Commission (PSC) at ng Alphaland Mall ay qualification tournament para madetermina ang komposisyon ng Philippine Team na sasabak sa 2018 Chess Olympiad sa Batumi, Georgia sa Setyembre 23 hanggang October 7, 2018.