Bossing Vic at Hanabishi execs.
Bossing Vic at Hanabishi execs.

MULING lumagda ang Hanabishi, isa sa nangungunang manufacturer ng home appliances sa Pilipinas, at si Bossing Vic Sotto ng kasunduan para sa ikaapat na taong pag-endorso ng aktor, producer at host sa mga produkto ng Hanabishi.

Mula 2015, katuwang na ng Hanabishi ang Bossing ng Masa sa paglalapit ng mga de-kalidad na produkto nito sa bawat tahanan at negosyong Pilipino.

“Sa paghahanap ng tamang endorser para sa isang brand na naniniwalang ang mga de-kalidad na produkto ay dapat para sa lahat, metikulosang nanay at nagsisimulang negosyante man, talaga namang si Bossing Vic ang unang maiisip ng karamihan. Isinasabuhay niya ang aming mga core value bilang isang home appliances brand. Umaasa kaming maibabahagi namin sa mas marami pang Pilipino ang aming pagkakilanlan bilang Kapartner ng Praktikal na Nanay at Bossing sa tulong ni Bossing Vic,” ayon kay Hanabishi President Jasper Ong.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Si Sotto, na kamakailan lamang ay ipinagdiwang ang pagsilang ng unang anak nila ng actress na si Pauleen Luna, ay nasasabik sa isa pang taon kasama ang Hanabishi. Ayon sa kanya, mas mataas ang pagpapahalaga niya sa commitment ng Hanabishi sa abot-kaya ngunit de-kalidad na produkto ngayong itinataguyod niya ang praktikalidad bilang haligi ng tahanan.

“Nagpapasalamat ako sa Hanabishi sa patuloy na pagtitiwala sa akin. Sa loob ng ilang taong partnership ko with Hanabishi, lalong lumalim ang aking tiwala sa kalidad ng kanilang mga produkto at sa kanilang vision na praktikal ngunit de-kalidad na produkto para sa mga Pilipino. Napaka-humbling na patuloy na pagkatiwalaan ng Hanabishi at masasabi ko ring karangalan na ibahagi ang mga produktong ito sa ating mga dabarkads dahil sa kalidad na masasabi kong nasubukan at napatunayan ko na sa ilang taong nakasama ko ang Hanabishi,” sabi ni Sotto.

Ang Hanabishi, na ngayon ay nagdiriwang ng ika-32 taong anibersaryo, ay patuloy na nangunguna sa industriya ng home appliances sa Pilipinas. Ang mga produkto nito ay maaaring mabili sa mahigit 2,000 outlet sa bansa at sa online shopping platform na www.myhanabishi.com.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring i-follow ang Hanabishi sa Facebook @MyHanabishiAppliances at sa Instagram at Twitter @myhanabishi.