Wasak sa bumagsak na punongkahoy ang tatlong kotse na nakaparada sa Barangay San Lorenzo, Makati City, bunsod na rin ng habagat na pinaigting ng bagyong “Domeng”, nitong Biyernes ng gabi.

Kabilang sa nasirang sasakyan ang isang Nissan XTrial (NQR 405); Honda Brio (DT 7652); at isang Isuzu Elf truck.

Ayon kay SPO3 Rolando Olanda, imbestigador ng Makati City Police, naganap ang insidente sa Perea Street, malapit sa Paseo de Roxas, sa Bgy. San Lorezo, dakong 8:45 ng gabi.

Sa gitna ng malakas na ulan at hangin, biglang natumba ang isang punongkahoy na nasa sidewalk at nabagsakan ang mga nakaparadang sasakyan sa lugar.

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

Walang iniulat na nasaktan sa insidente.

-Bella Gamotea